Masyado nang magulo
ang mundo
Hindi ko na alam kung
saan pa ako magtatago.
Magtatago upang hindi
matamaan.
Matamaan ng mga
balang hindi ko alam kung ligaw nga ba o sadyang itinutok sa likod ko.
Matamaan ng mga
balang galing ba sa mga pulis o sa mga taong nagbabalat kayo.
Masyado nang magulo
ang kwento
Hindi ko na alam kung
ano ang totoo.
Ni ayoko na ngang
buksan ang telebisyon
Dahil may mga
kwentong may sari-sarili nang bersyon
Ayoko na dahil hindi
ko na alam ang paniniwalaan ko.
Sino ba sa kanila ang
nagpapakatotoo?
Masyado nang magulo
ang isipan ko.
Ni hinahangad ko na
ngang iwan ang lupang sinilangan ko.
Hindi ko na alam kung
ligtas pa ba ako dito.
Hindi ko na alam
dahil hindi naman ito dating ganito.
Yung dating
punung-puno pa ng pagmamahal.
Ngayon ay nilamon na
ng kasamaan.
Yung dating
pinangungunahan ng pagkakapantay-pantay
Ngayon buhay na ang
tinutuldukan para sa iba ay makalamang.
Masyado nang magulo.
Putukan doon. Putukan
dito.
Patayan doon. Patayan
dito.
Pagod na ako.
Mali ba kung aayaw na
ako?
Mali ba kung susukuan
ko na ang lupang sinilangan ko.
Masyado nang magulo
ang mundo.
Masyado nang magulo
dito sa bansa ko.
May ligtas pa ba na
lugar para sa batang katulad ko?
O matutuldukan na rin
ang buhay ko dahil sa magulong mundong kinalalagyan ko?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento