Nagsimula ang lahat
sa ikaw at ako
Sa ikaw at ako na
malaya sa sakit
na dala ng mundo
Sa ikaw lang at ako
at walang ibang tao.
Nagsimula ang lahat
sa masaya tayo.
Masaya dahil sa
pagpili mo ng ako.
Pinili mo ako kasabay
ng pag pili ko sayo.
At dito nawala ang
ikaw at ako.
Dahil nabuo ang
salitang tayo.
Simulan natin ang
istorya sa pinakaumpisa.
Ang istorya nating
dalawa.
Balikan natin kung
gaano tayo kasaya.
Masaya tayo.
Yung tipong bawat
araw na ikaw ang kasama ko.
Bawat sandaling yakap
mo ako
Mahal.
Balikan natin kung
gaano tayo kasaya.
Masaya tayo na
hinihiling na tumigil yung oras.
Masaya tayo.
Yung tipong ayaw na
nating maghiwalay.
Ayaw nating magbitaw.
Mahal, balikan natin.
Balikan natin kung
gaano tayo kasaya.
Balikan natin.
Balikan natin yung
mga panahong sabay pa tayong matulog habang yakap kita.
Mahigpit na yakap
kita.
Balikan natin yung
mga sandaling tila isang panaginip na ayaw ko nang gumising pa.
Yung mga sandali na
parang isang panaginip na ayoko nang matapos pa.
Mahal.
Mahal balikan natin
ang lahat.
Balikan natin kung
gaano tayo kasaya.
Balikan natin mahal
dahil hindi ko namalayan.
Hindi ko namalayan na
sa muling pagmulat ng aking mata
Dito nagsimulang
dumilim ang bawat umaga.
Mahal nagbago ka.
Nagbago lahat.
Nagbago ang ikaw.
Sinimulan mong buuin
ang ikaw.
Ang salitang
ikaw na wala ang ako.
Ramdam ko na, mahal.
Ramdam ko na na hindi
na ako ang pinipili mo
Ramdam ko na ang
kagustuhan mong bumitaw sa salitang tayo.
Binago mo ang tayo.
At sa isang iglap,
Wala na nga
Wala na sa mga kamay
ko ang tayo
At ang tanging
natitira na lamang ay ako
Yung ako na walang
ikaw
Walang tayo.
At alam ko na kahit
kailan hindi mo na ulit pipiliin ang ako.
Gustuhin ko man na
kamay ko parin ang hawak mo.
Hindi na maaari dahil
hindi na ako.
Ang tanging magagawa
ko nalang...
Balikan ang noon.
Mag isang balikan
kung gaano kasaya ang ikaw at ako.
Ang dating tayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento