Masasabi mo ba kung kailan ka
magmamahal ulit?
Eh kung sino yung susunod
mong mamahalin?
Masasabi mo ba?
Ako hindi ko masasabi.
Pwedeng siya na magaling
kumanta
Ikaw na magaling magbasketball
Ikaw, kuyang matangkad.
O kaya naman ikawi, pogi.
Diba hindi natin masasabi?
Pero itong tulang to,
Para to sa taong susunod
kong mamahalin.
Makinig ka.
Hindi ko man alam kung kailan
ka dadating
O ako ba ang iyong
hahanapin.
Hindi ko man sigurado kung
sino ka
Alalahanin mo lahat ng
sasabihin ko
Wag mo akong ihatid gamit
ang kotse mo
Sa halip ay sabayan mo ako
at maglakad tayo.
Samahan mo ako.
Samahan mo ako kahit ilan
pang kilometro
Samahan mo ako at hawakan
ang mga kamay ko
Wag mo akong itago
Sa halip ay hayaan mo akong
makihalubilo sa pamilya mo
Hayaan mo akong makilala ang
mga tao sa buhay mo
Wag mo akong bolahin.
Sa halip ay kantahan mo ako.
Kantahan mo ako.
Ipaalala mo sa akin na ako
ang mahal na mahal mo
Iparamdam mo sa akin na hindi
mo kaya na mawala ako
Wag mo akong ipagpalit sa
barkada mo
Wag mo akong bolahin
Wag mo akong asarin
Wag mo akong lokohin
At higit sa lahat...
Wag kang mangako sa akin.
Ayoko ng pangako
Wag kang mangangako.
Wag.
Para pag dumating sa puntong
pagod ka na
Pag dumating sa puntong ayaw
mo na
Pag dumating yung araw na
kaya mo nang wala ako
Pag kaya mo nang iwan ako,
Hindi ako mahihirapang
bumitaw.
Hindi ako mahihirapang
bumitaw
Dahil wala akong pangakong
panghahawakan.
Walang pangakong pipigil
sa'king bumangon.
Walang pangakong hihilahin
ako pabalik sayo
Walang pangakong ikukulong
ako sa isang madilim na mundo
Yung mundong wala ka.
Pakiusap wag kang mangako.
Para hindi ko na kailangang
masaktan.
Masaktan sa mga pangako mong
sayang.
Para hindi ko na kailangang
manghinayang
Manghinayang sa mga panahong
sa atin lang umiikot ang mundo
Yung ang mundo mong sa'kin
lang nakasentro
Wag kang mangako.
Wag kang mangako para hindi
ko na kailangan magpanggap.
Magpanggap na hindi ako
umasa.
Umasa sa mga sinabi mong:
"Pangako hindi kita
iiwan."
"Pangako hindi kita
sasaktan."
"Pangako hindi ako
magbabago"
"Pangako hindi ako
mapapagod."
Pakiusap, Mahal.
Wag kang mangako.
Dahil hindi ko alam kung
paano bumitaw.
Hindi ko alam kung paano
umayaw.
Hindi ko alam kung paano
Kasi ngayong wala ka pa,
Nakakapit pa rin ako sa
taong bumitaw na.
Nakakapit pa rin ako sa mga
pangakong iniwan niya.
At hindi ko alam kung paano.
Hindi ko alam kung kailan
Hindi ko alam kung kailan
ako mapapagod
Hindi ko alam kung kailan
ako bibitaw.
Dahil totoo lang, ayoko na.
Gusto ko nang umayaw.
Kaya para sa taong
susunod kong mamahalin,
Wag kang mamangako
Wag kang mangangako kung
sa huli,
Ikaw ang mapapagod.
Ikaw ang susuko.
Pakiusap.
Wag kang mangangako
kung sa huli,
Iiwan mo lang rin
naman pala ako.