Ano?
Kaya pa?
Ilang araw na ba tayong walang paramdam?
Kaya mo pa ba?
Kasi ako, hindi na.
Hindi ko na kaya yung magkakasalubong tayo sa daan.
Magkakatinginan saglit sabay liliko pakaliwa at pakanan.
Hindi na magawang magngitian.
Gustong mag-usap pero parang mga tangang nag-iiwasan.
Kung dati’y sabay papasok sa eskwela pati uwian.
Ngayon puro na tayo dahilan.
“Mauna na kayo kakain pa ako.”
“Kayo nalang may ginagawa pa ako.”
Tangina naman.
Ba’t puro tayo dahilan?
Bakit ba?
Namimiss naman natin ang isa’t isa.
Pero bakit nagsasakitan tayong dalawa?
Hindi na ba natin kaya?
Kalimutan ang nakaraan at ibalik ang dating pagsasama?
Ha ha ha
Oo nga pala.
Nagkasakitan tayong dalawa.
Ano? Ayawan na?
Wag naman.
Hindi ko kaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento