Lunes, Oktubre 15, 2018

KAYA PA?

Ano?
Kaya pa?
Ilang araw na ba tayong walang paramdam?
Kaya mo pa ba?
Kasi ako, hindi na.
Hindi ko na kaya yung magkakasalubong tayo sa daan.
Magkakatinginan saglit sabay liliko pakaliwa at pakanan.
Hindi na magawang magngitian.
Gustong mag-usap pero parang mga tangang nag-iiwasan.
Kung dati’y sabay papasok sa eskwela pati uwian.
Ngayon puro na tayo dahilan.

“Mauna na kayo kakain pa ako.”

“Kayo nalang may ginagawa pa ako.”

Tangina naman.
Ba’t puro tayo dahilan?
Bakit ba?
Namimiss naman natin ang isa’t isa.
Pero bakit nagsasakitan tayong dalawa?
Hindi na ba natin kaya?
Kalimutan ang nakaraan at ibalik ang dating pagsasama?
Ha ha ha
Oo nga pala.
Nagkasakitan tayong dalawa.
Ano? Ayawan na?

Wag naman.
Hindi ko kaya. 

Sabado, Oktubre 6, 2018

DISTANSYA

Hindi na tayo katulad ng dati.
Hindi na ako napapangiti sa simpleng pagtawag mo.
Hindi ka na tumatawa sa mga banat ko.
Hindi na ako makatingin ng diretso sa mga mata mo.
Hindi na ako ang laging kailangan mo.

Hindi na tayo tulad ng dati.
Hindi na katulad ng dati na kaya pa nating manatili sa bisig ng isa’t isa.
Ngayo’y nag-iba na.
Na kahit gusto kong yakapin ka,
Hindi na maaari dahil hindi na masaya.
Masakit na. Masakit na na tila may mga patalim na tayo sa ating mga katawan.
Na kapag nagdikit ay may masusugatan,
May masasaktan.

Nasasaktan na natin ang isa’t isa.
Kaya naman, teka!
Kailangan ko munang dumistansya.
Lalayo muna ako hindi para sarili ay protektahan.
Lalayo muna ako para hindi kita masaktan.

Distansya muna.
Pero tangina,



Miss na miss na kita. 

TAHI

Ako? Kumusta? Okay lang. 'Yan naman ang karaniwang sagot sa mga tanong niyong ganyan Pero ang totoo, Hindi ko alam. Ano bang gusto niyon...