Linggo, Agosto 19, 2018

CHECK

Lalaki.
Babae.
Lalaki, check!
Babae, check!
Lalaki sa babae, check!
Babae sa lalaki, check!
Check! Check! Check!

'Yan ang sabi ng mundo.
'Yan ang katanggap tanggap sa lipunang ginagalawan ko.
Na hindi pwede ang pag-ibig na labag sa utos ng Diyos at ng tao.
Na hindi pwede ang tayo.
Na hindi normal ang relasyon na ito.
Hindi tayo normal sa mata ng mundo.
Na kahit wala namang kapansanan o depekto,
Ay hindi kailan man magiging katanggap tanggap sa mata ng kahit sino.
Maling pag-ibig.
Salot kung maituturing.

Yan ang sabi nila.
Pero alam mo kung anong mahalaga?
Ipinaglaban kita.

Kinalimutan ko lahat ng mga salitang pilit nilang ibinabato.
Kinalimutan ang batas ng Diyos at ng tao.
Na kesyo si Adan ay para kay Eba.
Na hindi pwede ang dalawang Eba't dalawang Adan.
Kinalimutan ko ang lahat dahil para sa akin,
Sa pag-ibig, walang bawal bawal.
Na kahit kailan, hindi magiging mali ang magmahal.

Malakas ang loob kong harapin ang mundo.
Lumalaban ako.



Wag ka namang sumuko..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TAHI

Ako? Kumusta? Okay lang. 'Yan naman ang karaniwang sagot sa mga tanong niyong ganyan Pero ang totoo, Hindi ko alam. Ano bang gusto niyon...