Biyernes, Nobyembre 2, 2018

HINDI AKO ANG TYPE MO

Ang tulang ito ay para sa mga taong hindi type ng crush nila

Hindi ako ang type mo
Sino nga naman magkakagusto sa mukhang to?
Inassume ko na kasi kung ano ang gusto mo.
Bet mo shempre yung maganda.
Matangos ang ilong, maputi.
Hindi man sobrang sexy.
Pero alam ko, hindi chubby.
Siguro gusto mo yung mahinhin.
Yung mahinhin at hindi papansin.
Hindi malakas tumawa.
Hindi malakas kumanta.
Hindi sumisigaw.
Hindi sumasayaw bigla-bigla.
Hindi maingay.
Hindi magaslaw.
Hindi malikot.
Hindi maharot.



In short,


hindi ako.

Hindi ako ang type mo.
Hindi ako ang gusto mo.

Hindi ako 'yung babaeng pang-fine dining restaurant.
Pero kung magiging tayo,
Masaya na'ko kung yung date natin doon lang sa ihawan.
Sa Pureza. Doon sa kwek-kwek-an.

Hindi ako yung babaeng itatag ka sa mga sweet posts sa FB.
Pero kung magiging tayo,
Kahit anong meme ang ishare mo, magrereact ako.

Hindi ako yung babaeng madalas sumakay sa LRT.
Pero kung magiging tayo,
Handa akong bumyahe simula Santolan hanggang Recto
Basta ikaw ang kasama ko.

Hindi ako isa sa mga magagandang babaeng napapatili pag tumutugtog ka.
Pero kung magiging tayo,
Kahit buong araw akong kumanta basta ikaw ang naggigitara.

Hindi ako yung babaeng maipangtatapat mo sa magaganda at sexyng syota ng mga kavarsity mo.
Pero kung magiging tayo,
Pangako, hindi ako mawawala sa bawat laro mo.
Partida.
May banner pa.

Hindi ako.

Hindi ako yung babaeng pangmodel na masarap picturan.
Pero kung magiging tayo,
Sasamahan kita kahit saan.
Panonoorin kitang kunan ng litrato ang mga lugar na napupuntahan mo.
Gusto mo libutin pa natin ang buong mundo?


Hindi ako.

Hindi ako gano'n kaganda para idrawing mo.
Pero maniniwala ka ba kung sasabihin kong naplano ko na ang buhay nating dalawa?
Simula sa nanligaw ka, sinagot kita.
Naging masaya tayong dalawa.
Kinasal at nagkapamilya.

Pero oo nga pala
Lahat ng 'to mananatili lang sa aking mga pantasya.

Kasi nga,
Hindi naman ako ang gusto mo diba?

Oo.
Hindi ako ang type mo.

Pero hindi ba talaga pwedeng maging tayo?

TAHI

Ako? Kumusta? Okay lang. 'Yan naman ang karaniwang sagot sa mga tanong niyong ganyan Pero ang totoo, Hindi ko alam. Ano bang gusto niyon...