Mahal. Naaalala mo ba no'ng
bago tayo nagsimula?
Takot na takot ako.
Takot na takot ako hindi
dahil baka saktan mo ako.
Takot na takot ako dahil
baka ikaw ang masaktan ko.
Takot na takot akong sumugal
dahil baka tulad lang rin
ako ng isang matalas na patalim.
Matalas na patalim na
maaaring sugatan ka.
Saktan ka.
Paiyakin ka.
Mahal takot ako.
Takot ako na baka ang
pakiramdam na mahal kita ay panandalian lamang.
Pansamantala.
Madaling mawala.
Pero mahal,
Nagmistula kang pambura na
itinapon lahat ng takot na aking nadarama.
Pinuno ng pagmamahal ang
puso kong puro kaba.
Mahal, pinatapang mo ako.
Natututo akong lumaban.
Ipaglaban ka.
Saluhin ang masasakit na
salitang ibinabato ng mga taong minsang naging bahagi ng buhay mo.
Mahal masakit.
Masakit ang bawat salitang
nagmistulang karayom sa puso ko'y bumabaon.
Pero mahal,
Ikaw.
Ikaw ang nagmistulang gamot
sa bawat sugat.
Ikaw ang nagpagaling.
Pagmamahal mo ang naging
dahilan ng mabilis nitong paggaling.
Bawat hawak mo sa kamay ko.
Bawat salitang binibitawan
mo.
Bawat ngiting pinapakawalan
mo.
Mahal. Pinuno mo ako ng
pagmamahal.
Binigyan mo ako ng dahilan.
Ikaw ang naging sangga sa
bawat sugat na maari kong makuha.
Pero mahal,
Nagsisisi ako.
Nagsisisi ako dahil natakot
ako.
Natakot ako na baka masaktan
ko lamang ang isang kagaya mo.
Natakot ako para sa'yo.
Para sa'yo, mahal.
Takot na takot ako para
sa'yo.
Na sa sobrang takot ko,
Nakalimutan ko nang matakot
para sa sarili ko.
Nakalimutan kong dalawa tayo
dito.
Dalawa tayo.
Ikaw. Ako.
Tayo.
Mahal nagsisisi ako.
Sising-sisi ako dahil sa
sobrang pag-aalaga ko sa'yo,
Nakalimutan ko na ang ako.
Nakalimutan ko nang matakot
para sa sarili ko.
Mahal.
Nagsisisi ako dahil ako ang
nasaktan.
Ako ang sinaktan mo.
Mahal balewala ang takot ko.
Dahil mahal,
Wala akong nagawa para
protektahan ang sarili ko.
Protektahan ang ako,
Hindi mula sa mga taong
labas sa relasyon na ito
Hindi mula sa mga taong
bahagi ng buhay mo na pilit akong binubura sa libro mo.
Kundi, mahal,
Nakalimutan kong protektahan
ang sarili ko mula sa'yo.
Mali ako noong una, mahal.
Takot akong sugatan ka,
ngunit ikaw ang nagbigay ng pinakamasakit na sugat sa akin.
Takot akong paiyakin ka,
pero ako ang nagpaanod ng luha gabi gabi.
Mahal.
Takot akong iwan ka, ngunit
ako ang nanatili sa likod mo nang lumakad ka palayo.
Mahal.
Takot na takot ako noon.
Takot na takot akong baka
masaktan kita, ngunit ngayon, ako.
Ako ang namamatay sa sobrang
sakit.
Ako ang pinapatay ng sakit.
Mahal.
Mahal nakakatakot.
Natatakot ako.
Kinakain ako ng takot,
mahal.
Takot na baka hindi ko
makaya.
Takot na baka ngayong wala
ka na, makalimutan kong bumalik.
Bumalik sa masayang buhay ko
bago ka manggulo.
Takot na baka manatili ako
sa lugar kung saan mo ako iniwan.
Sa ere, mahal.
Nasa ere pa rin ako.
Mahal natatakot ako.
Natatakot ako na baka hindi
na ako makababa.
Mahal, natatakot ako dahil
nasasanay ako.
Nasanay ako sa ere,
lumilipad kasama ka.
Mahal paano?
Paano yung ginawa mo?
Paano bumaba sa ereng
pinag-iwanan mo.
Mahal, paano?
Pakiusap, Ituro mo sa'kin
kase mahal.
Nakakatakot.
Nakakatakot dito.
Mahal ibaba mo na ko.
Pagod na akong manatili
dito.
Ibaba mo na ako dahil
hanggang ngayon,
nasa ere pa rin ako.
Mahal nandito pa ako.
at pagod na pagod na ako.