Lunes, Nobyembre 14, 2016

Sa Wakas


Halos hindi ko na maalala
Kay tagal na rin kasi no'ng huli kong naramdaman.

Halos 'di ko na maalala.
'Di ko na maalala kung paano mo ako tingnan na parang ako ang pinakamaganda
'Di ko na maalala kung paano mo ako ngitian na parang isa akong camera
'Di ko na maalala kung paano mo ako kausapin na para bang ako ang pinakamahalaga

'Di ko na maalala.
'Di ko na maalala 'yong mga gabing ako lang ang gusto mong kausap.
'Di ko na maalala kung paanong batiin mo ako ng matamis na magandang umaga.
'Di ko na maalala kung ilang beses mong sinasabi sa buong maghapon na ako'y mahal mo pa.

'Di ko na maalala.
'Di ko na maalala ang pakiramdam.
'Di ko na maalala kung paano mo ako napapakilig sa iyong simple ngunit mabubulaklak na mga salita.
'Di ko na maalala kung paanong hindi kita matiis sa tuwing ako'y may tampo pa.
'Di ko na maalala kung paano ako pasimpleng napapasaya sa tuwing kinakantahan mo ako bago ako mahimbing sa gabi.

'Di ko na maalala.
'Di ko na maalala ang pakiramdam sa tuwing tinititigan mo.
'Di ko na maalala kung paano ang pakiramdam sa tuwing tinatawanan mo ako pag maamos akong kumain ng ice cream na binili mo.
'Di ko na maalala 'yong pakiramdam sa tuwing hinahawakan mo ako pag tatawid tayo sa kalsada sa takot na baka masaktan ako.
'Di ko na maalala kung paano mo ako sinesermunan sa tuwing maraming tumitingin sa akin dahil sa ikli ng suot ko.

'Di ko na maalala
'Di ko na maalala kung paano mo binagalan ang pagpapatakbo mo sa kagustuhang sabayan ako.
'Di ko na maalala kung paano mo hingin ang kamay ko para ipakita sa iba na ako'y sa'yo.

Halos 'di ko na maalala.
'Di ko na maalala kung paano mo pinunasan yung pawis ko sa takot na baka sipunin ako.
'Di ko na maalala na gusto mo laging mataas at mahigpit ang ipit ko sa kagustuhang makitang sumingkit ang mga mata ko.
'Di ko na maalala kung gaano mo kagustong pisilin ang mga pisngi ko at sabihing wala nang mas gaganda pa sa ilong ko.
'Di ko na maalala ang pakiramdam na mahigpit mong hawak ang mga kamay ko.

'Di ko na maalala.
'Di ko na maalala kung paano mo ipinaramdam sa akin ang ginaw.
'Di ko na maalala kung paanong isang araw nagbago ang lahat.
Binitawan mo ang kamay ko at sinabing hindi na ako.
'Di ko na maalala.
'Di ko na maalala kung paano nadurog ang puso ko.
'Di ko na maalala kung paanong binasag mo ang mundo kong minsang binuo mo.
'Di ko na maalala kung ilang butil ng luha ang gabi-gabing natuyo.



'Di ko na maalala.
'Di ko na maalala kung ilang beses kitang hinabol at nakiusap sa'yo na parang si Basha.
"Ako nalang. Ako nalang ulit."
Hinabol kita.
Hinabol kita kahit ako 'yong nasaktan.
Hinabol kita kahit ako 'yong naiwan.
At 'di ko na maalala.
'Di ko na maalala kung paano mo sinabi sa'king tapos na.
Di ko na maalala kung paano mo sinabi sa'king may iba na.
Na hindi na ako dahil siya na.
Gano'n kadali.
Gano'n kabilis.

'Di ko na maalala ang lahat.
'Di ko na maalala kung paano ko ginustong magalit para kalimutan ka.
'Di ko na maalala kung ilang beses kong ginustong umasa, magmahal, at ipaglaban ka pa.
'Di ko na maalala kung ilang beses kong pinilit patahanin ang sarili ko.
Pero ako ang bigo.

Minahal kita?
Mahal kita?
Mahal pa rin kita?
Halos 'di ko na maalala.
Kay tagal na rin kasi n'ong huli kong naramdaman.
Kay tagal na rin kasi n'ong huli mong pamamaalam.
Kay tagal na rin kasi n'ong ako'y iyong iniwan.

Halos hindi ko na maalala.

Hindi ko na maalala.

Sa wakas...

hindi na kita naaalala.

Hindi mo pinanindigan ang pangako mong 'di mo ako sasaktan.

Patawarin mo ako dahil hindi ko natupad ang pangako kong 'di kita kalilimutan.

Dahil sa totoo lang,

Wala na akong maalala.

Sana wala na akong maalala. 



TAHI

Ako? Kumusta? Okay lang. 'Yan naman ang karaniwang sagot sa mga tanong niyong ganyan Pero ang totoo, Hindi ko alam. Ano bang gusto niyon...